
Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang humigit-kumulang P39.3 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na sigarilyo at tuyong tabako sa isang operasyon sa Maynila. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ang mga kargamento ay nagmula sa Bacolod at Zamboanga, at pinaniniwalaang ipinuslit mula sa ibang bansa. (Text and photo by Bong Son)

