

Kung totoo ang mga ulat na patuloy ang operasyon ng mga umano’y peryahan at pergalan sa iba’t ibang bahagi ng Cavite at karatig-lugar, panahon na upang magsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga kinauukulang awtoridad, partikular ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.
Ayon sa mga impormasyong nakararating sa publiko, may mga umano’y operasyon sa Bucal at Loob, Tanza, Cavite na nararapat na beripikahin ng mga awtoridad.
May mga ulat din na nagsasabing mayroon ding mga umano’y kahalintulad na aktibidad sa paligid ng Target Mall sa Sta. Rosa City, Laguna, gayundin sa Barangay Sto. Domingo at Barangay Sto. Tomas sa Biñan City.
Ang mga impormasyong ito ay nananatiling mga alegasyon at dapat sumailalim sa masusing beripikasyon.
Hindi dapat maging bulag o bingi ang mga tagapagpatupad ng batas sa mga reklamong nagmumula sa komunidad. Ang anumang uri ng iligal na sugal, kung mapatutunayang umiiral, ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga pamilya, sa kapayapaan ng komunidad, at sa tiwala ng publiko sa pagpapatupad ng batas.
Hindi layunin ng panawagang ito na husgahan ang sinuman.
Sa halip, hinihikayat natin ang mga awtoridad na magsagawa ng patas, masinsinan, at agarang imbestigasyon sa mga ulat tungkol sa mga umano’y operasyon sa mga nabanggit na lugar.
Kung walang paglabag, dapat itong malinaw na maipakita. Ngunit kung may paglabag sa batas, nararapat lamang na umiral ang pananagutan batay sa ebidensiya at sa tamang proseso ng batas.
Ang batas ay dapat ipatupad nang pantay-pantay, anuman ang pangalan o impluwensiya ng mga sangkot. Ito ang inaasahan ng mamamayan sa isang gobyernong tunay na nagpapatupad ng katarungan at kaayusan.
May hawak po tayong info sa mga pangalan ng mga bangka at bantay sa naturang mga pasugalang lupa, ngunit minabuti nating hindi na muna ilabas ang kani-kanilang mga pangalan sa kadahilanang nais din po nating protektahan ang mga hanapbuhay at pagkatao nila.
Abangan!
Maaari po kayong makipag-ugnayan sa abang lingkod po na ito sa mobile number 09564500549. Mabuhay!
